--Ads--

Lalarga ang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte at nakatakdang mag-convene ang Senado bilang impeachment court sa Mayo 18, ganap na alas-3 ng hapon.

Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, inatasan na niya ang Senate Secretariat na isama ang Articles of Impeachment sa kalendaryo ng Senado para sa referral.

Isang liham ang ipinadala ni Cayetano kay House Speaker Faustino Dy III na may petsang Mayo 14 upang ipaalam ang pag-convene ng impeachment court sa Lunes.

Sinabi rin ni Cayetano na wala siyang nakikitang amendment sa rules at masaya rito ang majority bloc ng Senado kasunod ng kanilang caucus noong Miyerkules. Tiniyak din niyang anumang magiging antala sa proseso ay hindi manggagaling sa mayorya.

--Ads--

Sa oras na magkaroon ng motion to convene, sinabi ni Cayetano na siya ang mauunang mag-oath bilang presiding officer ng impeachment court, kasunod ang 23 senador.