--Ads--

CAUAYAN CITY- Naideklara bilang drug cleared municipality ang bayan ng Delfin Albano, Isabela at Pamplona, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Information Officer Salvacion Dela Cruz ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, kanyang sinabi na sa ngayon ay mayroon na lamang apatnapu’t pitong barangay ang drug affected sa buong lambak ng Cagayan.

Aniya dalawampu’t pito rito ay mula sa lalawigan ng Cagayan, labing isa sa lungsod ng Santiago, at siyam sa Nueva Vizcaya.

Kalimitan umanong nagiging problema ng mga barangay na hindi pa drug cleared ay dahil mayroon pang mga drug personalities sa kanilang mga lugar.

--Ads--

Patuloy naman ang ginagawang mga intervention na ginagawa ng PDEA R2 kagaya ng drug rehabilitation sa mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.