--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang tsuper ang namatay, isa ang nasugatan sa pagsalpok ng motorsiklo sa isang bahay at pagbangga ng elf truck sa tricycle na magdadala sana sa ospital sa nasugatang sakay ng motorsiklo sa Benito Solive, Isabela.

Ang nasawi ay ang tsuper ng motorsiklo na si Paulino Vergara, 42 anyos habang nasugatan ang sakay na si Jessie Arreniego, 45 anyos, kapwa residente ng Andabuen, Benito Soliven, Isabela.

Ang namatay naming driver ng tricycle ay si Rendel Cayanan, 27 anyos at residente ng Cataguing, San Mariano, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Benito Soliven Soliven Police Station na binabagtas ng motorsiklo na minaneho ni Vergara ang daan patungong forest barangay nang mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa kongkretong bahay.

--Ads--

Agad silang tinulungan ng tsuper ng elf at isusugod sana sa ospital ang mga nasugatang biktima nang mabangga nito ang tricycle at pick up na nagresulta ng pagkasugat ng tsuper ng tricycle.

Agad dinala ang mga nasugatang biktima sa San Mariano Community Hospital ngunit dead on arrival si Vergara.

Nasawi naman si Cayanan habang nilalapatan ng lunas.

Nasa ligtas nang kalagayan isa pang nasugatan na si Arreniego.