--Ads--
Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagnanakaw ng langis at iba pang kalokohan sa bentahan at paggamit ng gasolina at diesel.
Ayon sa pangulo, hindi katanggap-tanggap ang pananamantala ng ilan habang nahihirapan ang mas nakararami.
Nagbabala rin ang pangulo laban sa pagho-hoard o pag-iimbak ng diesel para sa pansariling pakinabang, at nilinaw na dapat lamang itong gawin ng may lehitimong pangangailangan.
Kasabay nito, nanawagan ang pangulo sa publiko na pairalin ang disiplina, malasakit, at bayanihan, at iwasan ang panlalamang sa kapwa.
--Ads--











