--Ads--

Nasangkot ang tatlong katao sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa tapat ng isang gasolinahan sa Barangay Diamantina, Cabatuan, Isabela, nitong gabi ng Oktubre 6.

Batay sa paunang impormasyong nakalap ng Bombo News Team mula sa Cabatuan Municipal Police Station, isang Honda PCX ang bumabagtas patungong San Mateo habang isang Rusi single motorcycle naman ang galing sa Barangay Tandul nang mangyari ang banggaan.

Dalawa ang sakay ng Rusi motorcycle na magkapatid at kapwa walang suot na helmet. Wala ring suot na helmet ang rider ng Honda PCX.

Ayon sa rescue personnel, stable ang kondisyon ng dalawang biktima, habang nagtamo naman ng major injury ang isa pa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at eksaktong sanhi ng aksidente.

--Ads--