Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa boundary ng Purok 7, Brgy. Tagaran, at Purok 8, Brgy. San Fermin, bandang alas-sais ng gabi, ika-18 ng Pebrero, matapos parehong umiwas sa lubak-lubak na kalsada.
Sa panayam ng Bombo kay Kagawad Daniel Acob ng Brgy. Tagaran, sinabi niyang natanggap niya ang ulat ng insidente bandang alas-sais ng gabi.
Parehong iniwasan ng mga biktima ang malalalim na lubak sa nasabing lugar kaya naman parehas silang nagpagitna sa kalsada at nagbanggaan.
Hindi nila napansin ang isa’t isa, na nagresulta sa aksidente. Sa banggaan, nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga sangkot, at isa sa mga biktima ay naputulan ng isang daliri sa paa.
Naipagbigay-alam rin na isa sa mga rider ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin habang pauwi sa oras ng insidente.
Dagdag pa ni Acob, matagal nang problema ang kalsada sa lugar dahil sa lalim ng lubak at dami ng butas, na nagdudulot ng panganib sa mga motorista at residente.
Pinayuhan niya ang lahat ng nagmamaneho na maging maingat at laging magsuot ng helmet at iba pang protective gear, kahit gaano kalapit o kalayo ang pupuntahan.
Home Local News
2 motorsiklo nagbanggaan sa lubak-lubak na kalsada sa Tagaran-San Fermin, Cauayan City
--Ads--











