--Ads--
Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa kanyang tinutuluyang silid sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala ang biktima na si Basilio Dug-a, nasa hustong gulang, helper at tubong Lagawe, Ifugao.
Batay sa paunang imbestigasyon, wala namang nakitang palatandaan ng foul play o anumang bakas ng kaguluhan sa loob ng kanyang kuwarto.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Baby Jane Navarro Dugay na isa sa mga witness, sinabi nito na inutusan umano niya ang live-in partner ng biktima na gisingin ito.
--Ads--
Gayunman, hindi na umano nagising si Dug-a hanggang sa mapansin na lamang na hindi na ito humihinga.
Agad namang ipinaalam sa mga otoridad ang insidente upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng biktima.










