--Ads--

Naglagak ng piyansa si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan ng halagang ₱90,000 sa Sandiganbayan Second Division nitong Biyernes para sa kaniyang pansamantalang paglaya kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya.

Kinumpirma ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg na nakapagpiyansa si Bonoan para sa kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Nauna rito, nakapagpiyansa rin si Senador Jinggoy Estrada ng parehong halagang ₱90,000 kaugnay ng kaparehong kaso.

Nahaharap sina Bonoan at Estrada sa hiwalay na mga kasong graft at plunder na isinampa sa Sandiganbayan Fifth Division.

--Ads--

Ayon sa Ombudsman prosecutors, umano’y tumanggap si Estrada ng hanggang ₱573 milyon na kickback mula sa mga proyekto ng gobyerno sa flood control sa tulong ng apat na iba pang akusado, kabilang si Bonoan.