--Ads--

Patay ang dalawang Pilipino matapos bumaligtad ang isang coach o bus na lulan ang grupo ng mga turistang patungo sa Oktoberfest beer festival sa southern Germany nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente bandang alas-6 ng umaga, lokal na oras, kung saan walo pang pasahero ang malubhang nasugatan.

Tinatayang nasa 50 Pilipinong turista ang sakay ng bus na inarkila ng isang travel company para bumiyahe patungo sa Oktoberfest sa Munich, ayon sa tagapagsalita ng Upper Bavaria police prefecture.

Batay sa paunang imbestigasyon, lumabas sa kalsada ang bus bago ito tuluyang bumaligtad malapit sa Buchloe, sa lugar na malapit sa hangganan ng Austria.

--Ads--

Galing umano ang bus sa bayan ng Mailand.

Agad namang rumesponde ang malalaking bilang ng emergency personnel sa lugar ng insidente, habang pansamantalang isinara sa magkabilang direksyon ang motorway.