Kinumpirma ng Malacañang na tinanggal sa puwesto ang dalawang senior officials ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, totoo ang ulat tungkol sa pagtanggal sa dalawang opisyal, ngunit hindi muna isinapubliko ng Palasyo ang kanilang mga pangalan.
Wala rin umanong ibinigay na detalye ang Malacañang hinggil sa dahilan ng kanilang pagtanggal o kung kailan eksaktong ipinatupad ang naturang hakbang.
Hindi rin sinabi kung may itinalaga nang kapalit sa mga nabakanteng posisyon o kung may kaugnayan ang kanilang pagtanggal sa anumang isinasagawang imbestigasyon o internal na pagsusuri sa ahensya.
Sa ngayon, hinihintay pa ang karagdagang pahayag mula sa DICT at Malacañang kaugnay ng usapin.











