--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang dalawang indibidwal matapos magsalpukan ang minamaneho nilang sasakyan sa pamabansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Ang mga sangkot na sasakyan ay isang L300 Van na minameneho ni Victorino Baligod, 44-anyos at residente na Pangal Norte, Echague, Isabela habang ang SUV naman ay minamaneho ni Annavie Albiar, 37-anyos at residente ng La Union.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na binabaybay ng Van ang kalsada patungong Cauayan City Proper habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang SUV.

Umagaw umano ng linya ang SUV dahilan kaya’t sumalpok ito sa paparating na sasakyan.

--Ads--

Kapwa nagtamo ng sugat ang dalawang tsuper kung saan nasugatan sa ulo si Baligod matapos itong tumama sa kaniyang manibela habang nagtamo rin ng malubhang sugat sa paa ang tsuper ng SUV.