--Ads--

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang 25-anyos na lalaki na kinilalang alyas “Sean” dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o VAWC sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek matapos ang patuloy na monitoring ng mga awtoridad upang matukoy ang kanyang kinaroroonan lugar.

Agad na ipinatupad sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng korte, na may inirekomendang piyansa na ₱72,000.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam umano sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa pansamantalang pagkakapiit.

--Ads--