Arestado ang isang 26-anyos na drug suspect matapos makumpiska sa isang buy-bust operation ang tinatayang ₱34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay District IV, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Agosto 30, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Arcely,” 26-anyos, binata at residente ng Udiawan, Solano, Nueva Vizcaya.
Dakong alas-11:40 ng umaga nang isagawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 2–Nueva Vizcaya Provincial Office at PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit 2 ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang gramo at tinatayang standard market value na ₱34,000.
Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money, isang cellphone at isang motorsiklo na may plaka.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











