--Ads--

Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang unang repatriation flight mula sa Dubai, kasunod ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Dave Gomez Dave Gomez, sakay ng Emirates flight EK336 ang mga Pilipinong umuwi ng bansa, kasama ang iba pang apektadong biyahero.

Pinangunahan naman ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa 299 repatriates, kabilang ang mga sanggol at bata.

Umalis ang eroplano mula Dubai alas-9:55 ng gabi (oras sa Pilipinas) at naghatid pauwi ng mga overseas Filipino workers, turista, at iba pang pansamantalang na-stranded na biyahero.

--Ads--

Ayon sa pamahalaan, nakahanda na ang mga contingency measures upang tulungan ang mga Pilipino sa abroad sakaling lumala pa ang sitwasyon, habang patuloy ang koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno at airline partners.