--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagtutulungan ang mga miyembro ng Batanes Police Provincial Office (BPPO), Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG) at mga barangay official sa patuloy na pagsuyod sa karagatan ng Batanes kasunod ng pagkarekober ng isang mangingisda ng isang kilo ng cocaine sa karagatan ng Basco, Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCol. Merwin Cuarteros, Provincial Director ng BPPO na hindi sila titigil para imonitor ang kanilang karagatan para mapigilan ang pagpasok pa ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan.
Ito ang unang pagkakataon na may narekober na droga sa karagatan ng Batanes.
Ang narekober na cocaine ay nasa pangangalaga na ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) para sa kaukulang disposisyon.
--Ads--