--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang tatlong katao kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata sa banggaan ng tricycle at kolong-kolong sa Nakar, San Guillermo, Isabela.

Ang mga sangkot na sasakyan ay isang tricycle na minamaneho ni Jorrey Dincog na residente ng Barangay San Francisco Sur habang ang kolong-kolong ay minamaneho ni Daniel Hans Villar na residente ng Centro Dos, San Guillermo Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Benigno Nool Jr., Deputy Chief of Police ng San Guillermo Police Station, sinabi niya na galing ang tricycle sa by pass road at papunta sana sa poblacion ng San Guillermo habang patungo naman ang kolong kolong sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Aniya, nakapasok na sa provincial road ang tricycle nang salpukin ito ng kolong-kolong.

--Ads--

Agad namang dinala sa pagamutan sa Lungsod ng Santiago ang mga sakay ng tricycle matapos magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.