CAUAYAN CITY – Kabuuang dalawang bilyong pisong halaga ng makinarya ang ipapamahagi ng dEPARTMENT OF aGRICULTURE (DA) sa buong bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2, sinabi niya umabot sa 34 na Farmer Cooperative Association (FCA) ang unang nabigyan sa unang bugso mula sa Rice Competitiveness Ecnhancement fund (RCEF).
Kabilang sa mga natanggap ng mga FCA ang 44 hand tractor, 18 combine harvester, 9 na 4-wheel drive tractor at transplanter machine.
Ang mga makinaryang naipamahagi sa mga kooperatiba ay gagamitin para maisulong ang farm consolidation o clustering na isa sa mga programa ng DA.
Matatandaang nauna nang naipamahagi ng Da region 2 ang nasa 187 na bags ng binhi ng inbreed at hybrid seeds sa mga FCA bilang unang bugso ng component seed ng RCEF para sa mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tariffication Law.
Maliban pa sa 614,000 bags ng abono mula sa ALPAS program na ipinapamahagi sa mga magsasaka sa pamamagitan ng DBP.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng cloud seeding operation ang DA region 2 katuwang ang Philippine Air Force sa pag-asang tataas ang produksiyon ng mga corn carmers sa darating na anihan.
Bagamat nakaranas ng sunod sunod na malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Isabela at Cagayan ay kulang para sa mga mais na labis na naapektuhan ng tagtuyot.
Sa Lunes ay darating ang mga piloto ng PAF upang pangunahan ang cloud seeding operation ng DA.












