--Ads--

Umabot na sa 35 kaso kaugnay ng maanomalyang flood control projects ang naisampa sa mga korte, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sa mga kasong ito, 31 ang nakabinbin sa Sandiganbayan habang apat naman ang nasa Regional Trial Courts.

Bukod dito, sinabi ni Remulla na may 166 kaso pang sumasailalim sa preliminary investigation at 107 naman ang nasa ilalim ng lifestyle checks.

Patuloy rin aniyang nagha-hire ang Ombudsman ng karagdagang mga personnel upang mapabilis ang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

--Ads--