--Ads--
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 37 na iba’t ibang uri ng baril na ang nasamsam ng ng Delfin Albano Police Station simula ng mag-umpisa ang election period noong January 13, 2019.
Inihayag ni P/Liutenant Emaline Malenab, Deputy Chief of Police ng Delfin Albano Police Station na kabilang sa mga nagdeposito na ng kanilang mga baril ay mga pulitiko.
Sa 130 na binisita ng Delfin Albano Police Station ay hindi lahat ay nakapagsuko o nakapag-deposito ng kanilang mga baril dahil ang iba umano ay nawala, naibenta at nasa proseso ng pagpapabago ng lisensiya.
Kaugnay nito, muling nanawagan si P/Liutenant Malenab sa mga nag-iingat ng baril na isuko sa kanilang himpilan para hindi masampahan ng kaso.
--Ads--