--Ads--

CAUAYAN CITY– Ibinunyag ng isa sa apat na nangholdap sa Tuguegarao City sa isang cashier ng construction company sa Solana, Cagayan na nagkakilala lamang sila sa Pangasinan Provincial Jail sa Lingayen City, Pangasinan.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa suspek si Alfred Solis ng Bacnono, Bayambang, Pangasinan , inamin niya na ang ang tatlo niyang kasaman ang nangholdap sa biktimang si Lorena Carag, 45 anyos sa Tuguegarao City at nagsilbi siyang lookout.

Sinabi ni Solis na napabilang siya sa grupo ni Kristobal Cristobal na taga Alaminos City, Pangasinan matapos siyang sunduin noong araw ng Huwebes at inalok ng trabaho ngunit hindi niya alam na manghoholdap sila.

Nang tumakas sila sa checkpoint sa Bugalion Norte, Ramon, isabela ay naghiwa-hiwalay sila noong tumakbo sila sa palayan sa San Miguel, Ramon, Isabela.

--Ads--

Lumaban ang kanyang tatlong kasama na naging sanhi ng pagkamatay nina Cristobal at Alden Francis Regodique ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur habang nakatakas ang kanilang kasama na si Jefferson Tugas.

Sinabi ni Solis na ang tatlo lamang niyang kasama ang lumaban dahil agad siyang sumuko sa mga pulis.

Inamin din niya na ang isang M16 Armalite rifle, tatlong Caliber 45, 7 magazine ng armalite rifle, 7 magazine ng Caliber 45, 5 handheld radio at mga assorted na bala, iba’t ibang uri ng wallet at ATM card at mga backpack ay galing sa napatay na si Cristobal.

Ang tinig ni Alfred Solis