
CAUAYAN CITY – Inaresto ang apat na tao sa ikinasang Anti Illegal Gambling Operation ng mga awtoridad sa Balintocatoc, Santiago City.
Ang mga dinakip ay sina Jim, di tunay na pangalan, 27-anyos, binata, Rodolfo, di tunay na pangalan, 70-anyos, may asawa, Alyas Tessi, 39-anyos, may asawa at alyas Simon,42-anyos, may asawa na pawang residente ng nabanggit na lugar habang mayroon ding mga nakatakbo.
Pinangunahan ng nasabing operasyon ni PLt. Jefrey Viloria sa ilalim ni PMaj. Roderick Guiyab ng Santiago City Police Office Station 2.
Nakuha sa lugar ang 1,320 na pusta at isang set ng baraha.
Kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 (Anti Illegal Gambling Law) ang kakaharapin ng mga pinaghihinalaan na pansamantala nang nakapiit sa Santiago City Custodial Facility.




