--Ads--
Umaabot na sa 425 gasolinahan sa buong bansa ang pansamantalang nagsara dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, na bunga ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, karamihan sa mga nagsarang gasolinahan ay dahil naubusan ng suplay.
Pinakamarami ang naitala sa Cordillera Autonomous Region na may 79 gasolinahan na pansamantalang nagsara, sinundan ng 46 sa Central Luzon.
Naitala rin na limang gasolinahan ang sinampahan ng kaso dahil sa hoarding at overpricing. Kabilang dito ang mga istasyon sa Arteche, Eastern Samar; Guinobatan, Albay; Placer, Masbate; Llorente, Eastern Samar; at Sta. Cruz, Davao del Sur.
--Ads--








