--Ads--

Hindi bababa sa 44 katao ang nasawi matapos tumaob at lumubog ang isang  ferry na puno ng pasahero sa Lake Kariba sa Zimbabwe.

Ayon sa Civil Protection Unit, nasa 114 adult passengers at limang tripulante ang sakay ng sasakyang-dagat, bukod pa sa hindi pa matukoy na bilang ng mga bata. May kapasidad lamang itong 90 katao.

Una nang iniulat na 77 katao ang nailigtas at 15 bangkay ang narekober, bago itinaas ng Zimbabwe Republic Police sa 44 ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang search and rescue operation.

Ayon sa mga awtoridad, bumiyahe ang ferry sa kabila ng masamang panahon at malalakas na alon. Pinaniniwalaang maaaring tinamaan ito ng malaking alon na naging dahilan upang tumigil ang makina at tuluyang tumaob.

--Ads--

Patuloy ang paghahanap sa mga pasaherong hindi pa natatagpuan, katuwang ang mga diver, malalaking bangka, militar, helicopter at specialized aquatic rescue unit.

Itinuturing ang insidente bilang isa sa pinakamalalang naitalang passenger boat disasters sa Lake Kariba.