
CAUAYAN CITY – Nagtapos ngayong araw ang mahigit 400 na candidate soldiers sa headquarters ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa Upi, Gamu, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major. Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, sinabi niya na na 456 na candidate soldiers na nagtapos ay binubo ng Classes 628, 629 at 630.
Ayon kay Major. Tayaban, ito na ang pinakamaraming bilang ng mga nagtapos na Candidate soldiers sa 5th ID.
Unang itinakda noong Mayo 2020 subalit naantala dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nanguna sa class 628 ay si candidate soldier Joel Passion ng Sto. Niño, Cagayan na may general average na 92.14%.
Siya ay unang nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT).
Sa class 629 ay si candidate soldier Ian Giovanni Descalzo ng Sanchez Mira, Cagayan na may general average na 93.74% at unang nagtapos ng Bachelor of Science in Accounting and Technology (BSAT).
Sa class 630 ay nanguna si candidate soldier Francisco Luyon Jr. ng Isabela na may general average na 94.35% at unang nagtapos ng Bachelor of Science in Criminology (BSC).
Ang tumanggap ng Physical Proficiency Award sa class 628 ay si candidate soldier Arnel Battad ng San Mariano, Isabela na umabot sa 95.90% ang average.
Sa class 629 ay si candidate soldier Louie Dayawen ng Manabo, Abra na umabot sa 98.60% ang physical proficiency average.
Sa class 630 ay si candidate soldier Renie Dulnuan ng Lamut, Ifugao na may 97.1% na everage.
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng 5th ID sa mga kamag-anak ng mga nagtapos na candidate soldiers dahil hindi pinayagan ang mga bisita alinsunod sa mga protocols at guidelines ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Major. Tayaban, limitado lamang ang mga dumalo ngunit sa graduation ceremony ngunit kinunan nila ito ng video para mapanood ng mga kamag-anak ng mga nagtapos.










