--Ads--
Hindi bababa sa limang katao ang nasawi at 23 iba pa ang nasugatan sa malawakang missile strikes ng Russia sa Kyiv, Ukraine.
Tinamaan ng mga missile ang ilang apartment building, bodega at industrial area, ayon sa Ukrainian authorities.
Patuloy ang search and rescue operations para sa mga posibleng na-trap sa ilalim ng mga guho. Napinsala rin ang isang ospital ng mga bata at ilang sasakyan.
Dahil sa pag-atake, libo-libong kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Kyiv region.
--Ads--
Patuloy naman ang palitan ng missile at drone attacks ng Russia at Ukraine habang nagpapatuloy ang giyera na nagsimula noong Pebrero 2022.











