--Ads--

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10971, na nagtatakda ng limang taong fixed term para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa botohan, 211 kongresista ang pabor sa panukala, 13 ang tutol at isa ang nag-abstain.

Itinatakda rin ng panukala na ilipat sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang idaos sa unang Lunes ng Nobyembre ngayong taon.

Kapag naisabatas, isasagawa na ang BSKE kada limang taon.

--Ads--

Pagsapit ng halalan sa 2028, ituturing na nakumpleto na ng kasalukuyang mga opisyal ng barangay ang kanilang limang taong termino. Samantala, hindi na maaaring kumandidato sa naturang halalan ang mga barangay official na kasalukuyang nagsisilbi na sa kanilang ikatlong magkakasunod na termino.