Anim na tanker na may kargang Iranian oil ang pinabalik sa Iran nitong mga nakaraang araw dahil sa US blockade, batay sa ship-tracking data, na nagdudulot ng pagkaantala sa daloy ng barko sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo.
Bago ang US-Israeli war sa Iran noong Pebrero 28, nasa 125 hanggang 140 barko ang dumaraan araw-araw sa naturang kipot, ngunit bumaba ito sa pitong barko lamang sa mga nakalipas na araw, at wala sa mga ito ang may dalang langis para sa global market, ayon sa Kpler at SynMax.
Ang Strait of Hormuz ay dinaraanan ng humigit-kumulang 20% ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.
Noong Abril 13, nagpatupad ang US ng blockade sa Iran-related shipping, habang 37 barko na ang napabalik ng US forces, ayon sa military data. Nagpatupad din ng sariling restriksyon ang Iran.
Ayon sa Clarksons, parehong US at Iran ang nakakaapekto sa daloy ng maritime traffic sa rehiyon.
Tinatayang 10.5 milyong bariles ng langis ang laman ng anim na tanker na pinabalik, ayon sa TankerTrackers.com, habang daan-daang barko at libu-libong seafarers ang nai-stranded sa Gulf, na nagpapataas ng panganib ng aksidente at environmental disaster.











