Matapos ang 44 na taon, muling nagtagumpay ang Philadelphia 76ers laban sa Boston Celtics sa isang playoff series matapos ang 109-100 panalo sa Game 7 ng Eastern Conference quarterfinals.
Pinangunahan ni Joel Embiid ang 76ers matapos magtala ng 34 puntos, 12 rebounds, at 6 assists, habang malaki rin ang naging kontribusyon ni Tyrese Maxey na kumana ng 30 puntos, 11 rebounds na kanyang playoff career-high, at 7 assists na naging susi sa kanilang makasaysayang panalo.
Sa panig ng Celtics, nanguna si Jaylen Brown na may 33 puntos at 9 rebounds, ngunit hindi ito sapat upang maisalba ang kanilang kampanya at maiwasan ang pagkatalo sa serye.Sa kabuuan, kinumpleto ng 76ers ang isang makasaysayang pagbalik sa playoffs laban sa matagal nilang karibal sa Eastern Conference.





