Tinalo ng host na Mexico ang Republic of Korea sa kanilang pagharap sa Guadalajara stadium sa group stage ng FIFA World Cup 2026.
Tabla at walang iskor ang 1st half ng laban ng Mexico at Republic of Korea matapos ang dikit at depensibong sagupaan ng dalawang koponan sa World Cup group stage.
Ilang beses ding naitala ang offside calls na nagpabagal sa mga opensiba ng magkabilang panig.
Si Julian Quinones ang muntik magbukas ng scoring para sa Mexico matapos ang isang header na nasalo ng goalkeeper, habang sina Lee Kang-in at Seol Young-woo naman ang nagpakita ng banta para sa South Korea sa huling bahagi ng unang kalahati.
Sa pagtatapos ng first half, nanatiling 0-0 ang iskor sa kabila ng mas agresibong atake ng Mexico sa unang bahagi at unti-unting pag-angkin ng momentum ng South Korea bago ang halftime.
Nabasag naman ni Luis Romo ang dikit na laban matapos ang isang malakas na right-footed finish upang bigyan ang Mexico ng 1-0 na kalamangan laban sa Korea.
SAMANTALA Mas lalo pang nagmahal ang presyo ng ticket sa mga venue ng FIFA World Cup sa Estados Unidos.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, balak sana niyang manood ng live sa Seattle Stadium para sa laban ng US at Australia sa June 19 ngunit nang malaman ang presyo ng ticket ay hindi na siya tutuloy.
Aniya nasa higit $2,000 ang isang ticket habang ang nosebleed seats o ang pinakamalayo at mataas na bahagi ng stadium ay nasa halos $1,000 pa rin dahil sa malaking demand.
Kapansin-pansin aniya na nang matapos ang unang laban ng US ay mas dumami ang mga nais manood ng live sa mga venues.
Sa kabila nito mas pinili na lamang niyang manood sa livestream o sa telebisyon dahil sa mahal na ticket.











