--Ads--

Umakyat sa kabuuang 82 barko ng China ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea sa buong buwan ng Mayo.

Ayon kay AFP Spokesperson para sa WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga na-monitor ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).

Sa ulat ng militar, nakapagtala sa Bajo de Masinloc ng 16 PLAN at 23 CCG; limang PLAN at 12 CCG naman sa Ayungin Shoal; apat na PLAN at 12 CCG sa Pag-asa Islands; habang anim na PLAN at apat na CCG ang namataan sa Escoda Shoal.

Binigyang-diin ng AFP na mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 62 barko lamang na naitala noong buwan ng Abril.

--Ads--