
CAUAYAN CITY – Siyam na bagong COVID-19 positive ang naitala ng Department of Health (DOH) region 2.
Sa nasabing bilang ay tatlo ang mula sa Isabela, 4 sa Santiago City at dalawa sa Cagayan.
Una si CV536, 42 anyos na babae mula sa Santiago City, Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Cavite at Manila.
Ikalawa si CV537, 36 anyos na babae mula Santiago City na LSI na galing sa Cavite at Manila.
Ikatlo si CV538, 24 anyos na babae mula sa Santiago City na galing din sa Cavite at Manila.
Ikaapat si CV539, 45 anyos na babae mula sa Santiago City at galing sa Cavite.
Ikalima si CV540, 32 anyos na lalaki mula sa Alcala, Cagayan at OFW na galing sa South Korea.
Ikaanim si CV541, 31 anyos na lalaki mula sa Echague, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV519 na isang 33 anyos na lalaki na nahawa kay CV340 na nakaranas ng ubo.
Ikapito si CV542, 38 anyos na babae na mula sa Cabatuan, Isabela at LSI na galing sa Manila.
Ikawalo si CV543, 19 anyos na babae mula sa Cordon, Isabela at LSI na galing sa Cavite.
Ikasiyam si CV544, 62 anyos na babae mula sa Tuguegarao City at nakasalamuha si CV531.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 9 na bagong COVID-19 positive sa Lambak ng Cagayan.










