--Ads--

CAUAYAN CITY – Siyam na Chinese national na nagtatrabaho bilang construction worker sa bansa ang nakatakdang pabalikin sa kanilang bansa sa China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na mayroong isang kompanya sa Maynila na may mga Chinese na nagtatrabaho bilang mga construction worker sa pagapatayong isang gusali

Nagsagawa anya sila ng inspection sa nasabing lugar at napatunayan nilang mayroong mga dayuhang Chinese na nagtatrabaho na walang working permit.

Bukod sa deport ation ay nakatakdang irekomenda ng DOLE sa Bureau of Immigration and Deportation na i-blacklist sa bansa ang siyam na Chinese national.

--Ads--