CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa Diffun, Quirino para matukoy at maaresto ang gumahasa at pumatay sa isang 14 anyos na dalagita.
Natagpuan kagabi ang walang saplot na bangkay ng biktimang si Kristine Rose Tambungon, residente purok 7, Magsaysay, Diffun, Quirino.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Diffun na nagpaalam ang dalagita sa kanyang ama na si Wilfredo Tambungon para kunin ang sahod sa bahay ni Paran Ngalin ng Rafael Palma, Diffun dakong alas dos ng hapon noong Miyerkoles ngunit hindi na siya nakauwi sa kanilang bahay.
Naghanap ang mga magulang at dakong alas diyes kagabi nang matagpuan ang walang saplot na bangkay ng dalagita sa magubat na bahagi ng Magsaysay, Diffun.
Patuloy ang pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Sr. Inspector Jovencio Calagui, hepe ng Diffun, Quirino upang madakip ang salarin.