--Ads--

CAUAYAN CITY- Mabuting pangulo ng Pilipinas ang pagkakilala ng mga Saudi National kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni Ginoong Charles Aguda Silverio , manggagawa sa isang Kitchen Company sa Al Qassim Region, Saudi Arabia na taga San Antonio, Ilagan City na noong lumabas sa social media dalawang linggo pa lamang bago ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa KSA ay inaabangan at usap-usapan na ng mga Overseas Flipino Worker.

Inihayag pa ni Ginoong Silverio na mabuting pangulo ang pagtingin ng mga Saudi Nationals kay Duterte batay sa kanilang nakkita at nababasa na mga balita at mataas din ang kanilang tingin sa pangulo ng Pilipinas.

Halos kilala ng mga Saudi Nationals si Pangulong Duterte.

--Ads--

Mataas din ang tingin ng mga taga Saudi sa mga Pilipino dahil kilalang mga high skilled ang mga pinoy sa Kingdom of Saudi Arabia.

Samantala, bagamat bawal na gunitain ang mahal na araw sa Saudi Arabia ay ginugunita na lamang ng mga pinoy sa kani-kanilang mga tirahan at mataimtim din silang nagdarasal.

Bawal din anyang gunitain ang Semana Santa sa publiko at maging ang pagdadala ng mga rosaryo at biblia ng mga Kristiyano ay malaking kasalanan sa Kingdom of Saudi  Arabia at mayroong kakaharapin na kaparusahan.