--Ads--

Pormal nang ipinasa ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND), sa Singapore ang pamumuno sa ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at ADMM-Plus para sa taong 2027.

Isinagawa ang turnover ceremony kahapon, Oktubre 29, sa Lapu-Lapu City, Cebu, na pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasama si Singapore Defense Minister Chan Chun Sing.

Kabilang sa mga ipinasa ni Teodoro kay Chan ang ASEAN Direct Communications Infrastructure Key Management System at mga dokumento kaugnay ng Joint Statement ng ASEAN Defence Ministers.

Ayon kay Teodoro, umaasa siyang ang mga napag-usapan sa mga pormal na pagpupulong at sidelines ay higit pang magpapatibay sa kooperasyon ng mga miyembrong bansa ng ASEAN at kanilang mga katuwang na bansa.

--Ads--

Nagsimula noong Oktubre 28 at nagtapos noong Oktubre 29 ang dalawang araw na pagpupulong ng ADMM at ADMM-Plus na idinaos sa Pilipinas.