--Ads--

Pumalo sa record-high na ₱38.6 trilyon ang kabuuang resources ng mga institusyong pinansyal sa Pilipinas noong Agosto, kasunod ng 11% paglago kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Pangunahing nagtulak sa paglago ang pagtaas ng pagpapautang at deposits, magandang kita ng mga bangko at paglaki ng kanilang assets, ayon kay Jonathan Ravelas, senior adviser ng Reyes Tacandong & Co.

Umabot sa ₱32.2 trilyon ang resources ng mga bangko, mas mataas ng 12.5% kumpara noong nakaraang taon. Samantala, lumago ng mahigit 51% ang resources ng digital banks sa ₱225.2 bilyon.

Gayunman, kabilang sa mga panganib sa sektor ang epekto ng digmaan sa Middle East, partikular sa inflation at kondisyon ng panlabas na financing, na maaaring makaapekto sa paglago ng ekonomiya at kakayahan ng mga nangungutang na magbayad.

--Ads--