--Ads--

CAUAYAN CITY – Matagumpay na nakubkob ng mga sundalo ang ang isang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa barangay Mainit, Bontoc, Mountain Province

Ito ay makaraang magkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mahigit 30 kasapi ng NPA na tumagal ng anim na oras at ikinamatay ng isang NPA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Ruben Guinolbay, Batallion Commander ng 58th Infantry Batallion, matapos ang labanan kaninang madaling araw ay nakita ang isang bangkay ng NPA at nakita rin ang maraming patak ng mga dugo kung saan dumaan ang mga tumakas na rebelde.

Nakuha ng mga sundalo sa nakubkob na kampo ng mga rebelde ang dalawang M16 armalite rifle, mga personal na kagamitan at maraming mga pagkain cellphone na naiwan ng mga NPA sa kampo.

--Ads--

Sinabi pa ng opisyal ng militar na ang nasabing kampo ay isang kilometro lamang ang layo mula sa barangay Mainit, Bontoc Mountain Province.

Dahil dito nanawagan siya sa mga residente na magbigay ng mga impormasyon sa mga sundalo sakaling makita ang presensya ng mga rebelde sa kanilang mga lugar.