--Ads--

Muling nagbigay karangalan sa Pilipinas ang all-female group na BINI matapos tanghaling Favorite Global Music Star sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards, kung saan tinalo nito ang mga international artists gaya nina Taylor Swift, Olivia Dean, Zara Larsson, Tyla at Karol G.

Kinatawan ng walong miyembrong grupo ang Asya sa naturang kategorya sa awarding ceremony na ginanap sa Los Angeles, California.

Sa kanilang Facebook post, nagpasalamat ang BINI sa Nickelodeon, sa kanilang fans na tinatawag na Blooms, at sa lahat ng bumoto para sa kanila.

Bukod dito, kinilala rin ang grupo bilang Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa Jupiter Awards 2026 sa Germany.

--Ads--

Ipinahayag ng BINI ang karangalan sa pagtanggap ng naturang pagkilala kasama ang iba pang mahuhusay na artista sa Asya.