--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang dalawang lalaki kabilang ang isang sundalo matapos mabangga ng dumptruck ang isang tindahan sa Upi, Gamu, Isabela.

Ang mga biktimang nasugatan ay sina Sgt. Arnel Ibarra Roque, 54 anyos, isang aktibong miyembro ng Philippine Army at residente ng Brgy Tabang, Santo Niño, Cagayan at Jonald Garcia, 50 anyos at residente ng Brgy San Antonio, Ilagan City.

Ang nagmaneho naman ng dumptruck ay si Manuel Bugayong,38 anyos at residente ng Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, binabaybay ng dumptruck ang daan patungung Junction Upi ng mawalan ng preno sa papaliko at pakurbadang daan kaya nabangga nito ang tindahan kung saan naroon ang mga biktima.

--Ads--

Agad dinala sa hospital ang mga biktima para malapatan ang kanilang mga tinamong sugat sa katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical Injuries and damaged to property ang drayber ng dumptruck.