--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinusulong ngayon ng regional law enforcement coordinating committee (RLEC) region 2 ang pagbuo ng technical working group (TWG) para mapababa ang bilang ng traffic accident sa lambak ng cagayan.

Sakaling mabuo ang TWG ay magiging kasapi nito ang PNP, DILG, LGU’s at DPWH na tututok sa mga suliranin na nagdudulot ng mga aksidente sa daan.

Sa pulong ng mga pinuno ng RLEC 2 ay ipinanukala ang pagpasa sa resolusyon na nagsasaad na ibalik sa PNP ang direktang superbisyon sa pangangasiwa sa trapiko.

Ipinahayag ni Chief Supt Jose Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office 2 at chairman ng RLEC 2 na makakatulong ang panukala para mapaigting ang police visibility sa mga pangunahing lansangan.

--Ads--