--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) ang dalawang lalaking dinakip sa isinagawang drug buy bust operation ng Ilagan City Police Station.

Ang mga suspek ay sina Joshua, 18 anyos, isang mag-aaral, residente ng Alibagu, Ilagan City at si Zian Archer Cabasal, nasa tamang edad at residente ng Osmena, Ilagan City.

Isinagawa ang naturang operation ng mga kasapi ng Ilagan City PNP, at PDEA Region 2 kung saan positibong nakabili ang pulis na nagpanggap posseur buyer ng hinihinalang Marijuana na nakabalot sa isang transparent plastic.

Nasamsam rin mula kay Jayson ang perang Php1,000.00, Php700.00 buy bust money at isang cellphone ng mga suspek.

--Ads--

Ang mga suspek at mga nasasamsam mula sa kanila ay dinala sa Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposiyon.