--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Bayombong Police Station ang isang estudyante dahil sa illegal na droga sa Barangay Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang inaresto ay si Jayson Luclucan, 19 anyos, newly identified high value target ng PDEA Region 2 at residente ng Brgy. District 4, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakuha sa operasyon ang tatlong balot ng pinatuyong dahon ng marijuana ay Php500.00 drug buy bust money.

Agad na idinala sa PNP Crime Laboratory ng Solano, Nueva Vizcaya ang nasamsam na droga para suriin habang ang suspek ay nasa pangangalaga ng Bayombong Police Station para sa kaulang disposisyon at dokumentasyon.

--Ads--