--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpatupad na ng force evacuations sa mga coastal towns ng Isabela ngayong hapon.

Ito ay bilang paghahanda sa pananalasa ng malakas na bagyong Ompong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Lycelle Kate Domingo Vicente  ng Maconacon, Isabela na katuwang ang mga mga opisyal ng barangay at mga pulis ay sapilitan nilang inilikas ang mga residente malalapit sa seashore at gilid ng sierra Madre kaninang hapon

Mahigit anyang limang daang pamilya o halos 2,000 katao ang isinailalim sa force evacuation.

--Ads--

Nagpamigay na rin ng mga relief good sa mga residente ng Moconacon.

Sa Divilacan, Isabela, inihayag ni Police Senior Inspector Jonathan Ramos, hepe ng Divilacan Police Station na nakahanda na walong evacuation centers na maaaring tunguhin ng mga evacuees.

Nagpamigay na rin ng relief good ang pamahalaang lokal sa mga mamamayan pangunahin na sa mga magsasaka at mangingisda na apektado at pinagbawalang mangisda sa dagat at manatili sa kanilang bahay.

Magpapatupad na rin sila ng force evacuation sa mga residente malapit sa dagat at ang mga nasa gilid ng bundok.

Samantala, nakaantabay na rin ang lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela,LGU’s PNP, AFP, DOH, DSWD, Rescue teams at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa bagyong Ompong.