--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng emergency session ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan para ideklara ang state of calamity sa Isabela dahil sa malawakang pinsalang dulot ng bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Vice Govenor Antonio Albano na patuloy ang kanilang pagtanggap ng damage report mula sa iba’t ibang bayan at lunsod.

Batay aniya sa initial report na naiparating sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), mahigit isang bilyong piso na ang halaga ng pinsala ng bagyo sa Isabela.

Pinakamalaki sa mais na mahigit 818, 617, 227 pesos ang halaga ng pinsala at mahigit 5, 682 ang mga apektadong magsasaka.

--Ads--

Sa palayan ay mahigit 801,000 ang halaga ng pinsala at 24,095 ang mga apektadong magsasaka.

Sa mga tanim na gulay ay 61 million ang halaga ng pinsala habang sa saging ay 1.6 million pesos habang sa fisheries ay mahigit 200,000 pesos.

Sa sektor ng agrikultura ay 51 million pesos ang naapektuhang daan, tulay, paaralan at pampublikong gusali.

Sinabi pa ni Vice Governor Albano na maaaring madagdagan pa ang mga naitatalang production lost sa mga produktong agrikultura sa Isabela kaya tiyak na magdedeklara sila ng State of Calamity.