--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsam sa isang drayber ng tricycle ang illegal na droga, baril at mga bala sa barangay Marabulig, Cauayan City.

Ang nasamsaman ay si Marcel Mauricio, 31 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isinilbi ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at PDEA region 2 ang search warrant na inilabas ni Judge Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court Branch 20,Cauayan City.

Nakumpiska pa ang isang transparent sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang marijuana, 4 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, isang unit ng Cal. 5.56mm, 10 piraso ng live ammunition ng caliber 5.56 mm at 6 piraso ng live ammunition ng Cal. 38.

--Ads--

Pinaghahanap naman ngayon ang isa pang nakatakas na kasama ng suspek na si Edgardine Justo alyas Samson na residente rin ng barangay Marabulig.

Ang nadakip at mga nasamsam na kontrabando ay dinala na sa Cauayan City Police Station para sa iba pang karagdagang pagsisiyasat.