--Ads--

PISTON Isabela, magsasagawa ng mga kilos protesta dahil sa pagbasura ng LTFRB sa hiling na taas pasahe

CAUAYAN – Labis na nadisyama ang mga kasapi ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide ( PISTON) Isabela dahil hindi inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingan na dagdag pasahe sa jeep.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Rolando Sayago, Pangulo ng PISTON Isabela na dahil sa sunodsunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay kailangan na rin dapat na aprubahan ang kanilang kahilingan.

Asahan umano ang iba’t ibang aksyon o kilos protesta na gagawin para maramdaman at marinig ng publiko at Pamahalaan ang kanilang kahilingan.

--Ads--

Inihayag pa ni Sayago na wala pang nagtataas ng pasahe ng PUJ Isabela at Cagayan dahil hinihintay pa ang abiso mula sa LTFRB.