--Ads--

CAUAYAN CITY – Maswerteng nakaligtas ang isang lalaki matapos siyang pagtatagain ng kapwa laborer sa Brgy. Aneg, Delfin Albano, Isabela.

Nag iinuman ang biktimang si Ruel Libres kasama ang suspek na si Antonio Obedoza Jr, kapwa residente ng Brgy. Aneg, Delfin Albano, Isabela sa bahay ng nagngangalang Alma Camaggay nang magkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek.

Dahil sinuntok ni Libres ang kanang mata ni Obedoza ay nagalit ito at kinuha ang kanyang itak saka pinagtataga ang biktima ng ilang beses.

Isinugod sa pribadong pagamutan si Libres para malapatan ng lunas habang nadakip naman ang suspek na nasa kostudiya na ngayon ng Delfin Albano Police Station para sa pagsisiyasat at kaukulang disposisyon.

--Ads--