--Ads--

Mga empleyado ng Calayan, Cagayan naglabasan dahil sa malakas na lindol- SB Scretary

CAUAYAN CITY- Nagtakbuhan palabas  ang mga empleyado ng Calayan, Cagayan matapos yanigin ng magtinude 5.0 na lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Armand Llopis, SB Secretary ng Calayan, Cagayan  na naramdaman nila ang malakas ng pag-uga sa loob ng kanilang munisipyo.

Dahil dito naglabasan ang mga empleyado ng munisipyo ng Calayan at maaga din silang pinauwi.

--Ads--

Naganap ang lindol kaninang alas kuwatro trentay kuwatro ng hapon na may magnitude 5.0 na may lalim na pitung kilometro.

Naitala ang sentro nito 24 kilometers hilaganag-kanluran ng Calayan.

Naramdaman din ang Intensity 4 sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Tectonic ang origin ng lindol.