--Ads--

CAUAYAN CITY– Labis ang pagdadalamhati ngayon ng pamilya ng isang 5 anyos na batang lalaki na nalunod sa ilog sa Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela kahapon, Linggo ng Palaspas.

Ang biktima ay si Tommy Salum Jr., 5 anyos at residente ng Minante 2, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt. Ramil Agcaoili, deputy chief of police ng Benito Soliven Police Station, sinabi niya na lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagtungo sa ilog ang biktima kasama ng kanyang pamilya para sa magpiknik.

Hindi umano namalayan ng ina ng biktima ang pagkalunod ng kanyang anak na naglalaba nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Nalunod umano ang bata matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig at napunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Ang tinig ni PLt. Ramil Agcaoili

Matapos makita ang katawan ng bata ay dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.