CAUAYAN CITY – Nagluluksa ngayon ang mga kapamilya ng tsuper ng motorsiklo na nasawi matapos mabangga ng bus kagabi sa national highway sa Dagupan, San Mateo, Isabela.
Ang nasawi ay si Rodrigo Inaldo, residente ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela habang ang tsuper ng GL Transit BuS ay si Jeffrey Dante, residente ng Taloy Norte, Tuba, Benguet.
Binabagtas ni Inaldo sakay ng motorsiklo ang Santiago City-Tuguegarao City road nang papunta sana sa kabilang linya ngunit hindi niya napansin ng paparating na bus.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon si Inaldo at agad dinala sa San Mateo Integrated Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Ang tsuper ng bus ay nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property.